May mga taong ayaw ko na talaga sa buhay ko.
pano ba sila alisin. Sila yung mga ayaw ko nang pag usapan kasi nakakaramdam ako ng kakaibang feeling na nakakahiya/nakakakaba/nakakairita. Sila yung ayaw kong makasama pero laging may naglalapit. Pano ko sila haharapin o pakikisamahan eh sila yung mga pinaka ayaw kong makita. Gusto ko silang kalimutan pero bakit laging nandyan sila? Ayaw ko sa kanila pero bakit kusang nagtatagpo pa rin kami. Sila yung mga taong iniiwasan ko ng tingin tuwing makakasalubong ko sa mall o makakasakay ko sa jeep. Ayaw ko na sa kanila ayaw ko silang makita at dahil sa kanila lumalala yung phobia ko sa titig ng mga tao o sa maraming mga tao.
Ayaw ko na silang pumasok ulit sa buhay ko. Ayaw ko. Kahit tingin o makita man lang sila ng isang segundo. Matagal na akong lumabas sa nakaraan, umalis na ako don, at kahit kelan wala akong balak balikan yun. Pero dahil sa mga taong to na nag papaalala hindi ako makalakad ng tuloy tuloy. Ayaw ko sa kanila, ayaw ko sila makita o marinig magsalita o tumawa o kahit anong galaw na pwede nilang magawa, ayaw ko sa mukha nila sa lahat ng bagay sa kanila ayaw ko.
Hindi ako takot. Hindi na masakit para sakin, pero ayaw ko silang marinig magsalita ng tungkol sa kanila o sa buhay nila pagkatapos ko. Ayaw ko sa lahat ng gagawin nila. Pero kahit anong gawin ko hindi ko sila maiwasan. Tinutukso ba ako ng tadhana? o talagang halos lahat sila malapit lang sakin.
AYAW KO SA KANILA pero wala akong choice. AYAW KO SILA MAKITA PERO KAILANGAN kong buksan mata ko, AYAW KO SILANG MARINIG pero kailangan kong pakinggan lahat para di ako maligaw. AYAW ko sa kanila. AYAW KO SILANG marinig. Ayaw ko sila sa buhay ko. Pag kinalimutan ko na, hindi ko na babalikan pa. Maraming tao sa mundo hindi naman siguro ako mauubusan.